On Air

Now Playing:

Loading ...

Babalik ang ‘Wowowin’ at si Kuya Wil sa Kapuso Network?

admin

Published on March 4, 2024

May bago na nga bang kapalit ang noontime show ng GMA Network ngayong napapabalitang mawawala na sa ere ang ‘Tahanang Pinakamasaya’?

Ayon sa website na Pinoy Trend, napipisil ng netizens si Willie Revillame o Kuya Wil na ang papalit sa noontime slot ng Kapuso Network matapos kumalat ang balitang matatapos na ang noontime show ng TAPE Inc.

Umingay ang balitang may P800-M na utang ang TAPE Inc. sa GMA-7 kaya napagkasunduang itigil na ang pag-ere nito. Noong sabado, March 2, tila hindi masaya ang tahanan ng TAPE Inc. dahil sa isang biglaang balita na gumulat sa lahat.

Sa pagtatapos ng episode ng programang ‘Tahanang Pinakamasaya’, nagpahiwatig ang mga host nitong sina Isko Moreno at Paolo Contis ng pamamaalam at pasasalamat sa lahat ng advertisers at supporters ng programa.

Matapos nito, naglahong parang bula ang lahat ng social media accounts ng TAPE Inc at kumalat ang katagang ‘Tahanang Pinakamasaya Sign Off’ sa Facebook.

Sabi naman ng ilang netizens, ito na ang pagkakaton ni Kuya Wil na makabalik sa channel 7 para muling mapanood sa TV ang programang ‘Wowowin’.

Huling napanood si Kuya Wil sa GMA Network noong 2015 bago ito lumipat ng network matapos ang 8 taon.

Inaasahan na maglalabas ng pahayag ang GMA Network at TAPE Inc sa mga susunod na araw tungkol sa pangyayari.

Manatiling naka-follow sa V81 Radio para sa updates tungkol sa balitang ito.