On Air

Now Playing:

Loading ...

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ni Kuya Wil at ng Wowowin!

admin

Published on March 6, 2024

Tuloy na tuloy na raw ang pagbabalik-telebisyon ng ‘Wowowin’ dahil nakahanap na ng bagong business partner si Kuya Wil.

Sa isang Instagram post kinumpirma ni Atty. Enrique ‘Buko’ Dela Cruz ang malaking comeback ni Willie Revillame o Kuya Wil at ang kanyang programang ‘Wowowin’.

“Wowowin !!! Ang pagbabalik😊👍” ayon sa post ni Atty. Buko.

Matapos ang mahigit isang taong paghahanap nakatagpo si Kuya Wil ng bagong business partner na may-ari ng Aqua Boracay at Carrascal Nickel Corporation na si Antonio ‘Tony’ Co ayon sa website na Bilyonaryo.

Matatandaang umingay ang balitang napipisil na mapanood ulit ang ‘Wowowin’ sa Kapuso network matapos matanggal sa ere ng ‘Tahanang Pinakamasaya’ ng TAPE Inc. ayon sa website na Pinoy Trend at napaulat din ang plano ng state-owned TV channels na PTV-4 at IBC-14 na kunin si Kuya Wil pero hindi ito natuloy.

Ang malaking tanong ng netizens, saang TV network mapapanood ang pagbabalik-telebisyon ng ‘Wowowin’?

Manatiling naka-follow sa V81 Radio para sa updates tungkol sa balitang ito.